Linggo, Nobyembre 29, 2015

Tips para maka-ipon ang mga estudyante


          Isa na nga siguro sa mga napakahirap gawin ang pagtitipid at pag-iipon lalo na kung hindi naman kalakihan ang pera na mayroon ka, partikular ang mga mag-aaral. Isa din ako sa nahihirapan na mag-ipon dahil nauubos ko ito sa mga pagkain :'(.

          Maraming estudyante ang hindi nakaka-ipon dahil sa kain ng kain o di kaya sa pag-bili ng mga kung ano-ano kahit na hindi naman talaga ito kailangan.
Pero may mga paraan upang maging magaan ang pagtitipid at pag-iipon.
Narito ang listahan ng ilan sa mga dapat at hindi dapat gawin pagdating sa pera.
Mga dapat gawin:
* Mag-budget. Wais na pagba-budget ang numero unong dapat gawin upang makapagtipid. Ang paglilista ng gagastusin sa loob ng isang linggo ay makatutulong nang malaki para ma-monitor nang maigi ang pera.
* Alamin ang prayoridad. Dapat ang bibilhin ay kailangan at hindi basta gusto lang. Mahahalagang gamit pang-eskwela lamang ang bilihin hangga't maaari.
* Mag-alkansya. Kung ang baon mo ay P100 sa isang araw, maghulog ka agad ng 20 sa alkansya. Sa ganitong paraan, makokontrol mo ang gagastusin mo sa maghapon habang nakaka-ipon ka. Kung P50 itabi na ang P5 o P1 – kahit ano pa ang halaga ng maitatabi malaking bagay iyan para matutong magtiis.
* Humingi ng student discounts. Maging sa pamasahe o ibang bilihin, ugaliing humingi ng discount. Maliit na halaga man ang naibabawas, malaki rin ito kung maiipon.
* Magbenta ng mga bagay na hindi na ginagamit. Hindi masama kung ipagbibili na ang ilang kagamitan lalo na kung hindi na ito kapaki-pakinabang para sa iyo, sa halip ay makakatulong pa ito para magkaroon ka ng pandagdag sa baon mo.
* Ikumpara ang mga bagay na bibilhin. Hangga’t maaari doon ka sa mura pero may kalidad para masulit mo ito. Mainam kung ikukumpara muna ang isang bagay sa isa pa upang malaman kung ano ang kaya ng budget mo.
* Maghanap ng part-time job. Makakatulong para makapag-ipon. Siguraduhin lamang na hindi ito makakaapekto sa pag-aaral.
* Umiwas sa mga gala/lakad. Hindi masama ang paggala. Ngunit makatutulong sa pagtitipid kung lilimitahan ito, at mas mabuti kung huwag na lamang kung hindi naman kailangan.
* Bawasan ang utang. Hindi maiiwasan ang panghihiram o pangungutang ng pera. Pero hangga't maaari, ay iwasan ito para makabawas sa dagdag bayarin. Iwasan din ang magpautang.
Mga hindi dapat gawin:
* Humingi ng weekly allowance. Hindi advisable ang paghingi ng weekly allowance lalo na kung magastos ka. Maaaring kapusin ka sa pera at hindi na umabot ang pera sa loob isang linggo.
* Impulse buying. Ang pagbili nang wala sa plano ay maaaring mauwi sa madaliang pagkaubos ng pera. Maiging iplano o gawan ng listahan ang mga bibilhin.
*Pagpunta sa gym. "In" ito sa mga kabataan ngunit gastos lang. Mabuting mag-jog na lang sa inyong subdivision o magsagawa ng ibang outdoor activities kasama ang mga kaibigan para tipid.
*Shopping linggo-linggo. Hindi praktikal kung lingguhang gagawin ang pagsa-shopping lalo pa kung walang part-time job o anumang extra source of income.
* Mag-grocery kapag gutom. Gutom lang kailangan nang mag-grocery!? Hindi makabubuti kung mag-go-grocery kung gutom dahil magagawa mong kumuha nang kumuha ng mga pagkain dala ng iyong pagkagutom, pero sa huli ay hindi mo naman mauubos.
*Kumain sa fast food chains. Limitahan ang pagkain sa mga food chains, sa halip ay magluto o sa bahay na lamang kumain. Mas masarap na, wala pang bayad.
Hindi pagiging kuripot ang pagtitipid, sa halip ito ay pagiging praktikal. Matalinong paghawak sa pera ang kailangan para sa huli magaan ang buhay.
Isipin mo na lang: kung ganitong estudyante ka pa lang ay hindi na marunong magtipid at mag-impok paano na lang kung naghahanapbuhay ka na?
Pinagkunan:
http://clkmon.com/adServe/banners?pid=14442&cid=70407198&action=r&q=abante%2Conline%2C-%2Ctips%2Cpara%2Cmakatipid%2Cat%2Cmakaipon%2Cang%2Cmga%2Cestudyante%2Cbudgeting%2Cisa%2Cna%2Cnga%2Csiguro%2Csa%2Cnapakahirap%2Cgawin%2Cpagtitipid%2Cpag-iipon%2Clalo%2Ckung%2Chindi%2Cnamankalakihan%2Cpera%2Cmayroon%2Cka%2Cpartikular%2Cmag-aaral%2Cpero%2Cmay%2Cparaan%2Cupang%2Cmaging%2Cmagaan&subid=g-70407198-8c329a1e645f46adb236d95f9fb88748-&data_test=20151124_t&data_fb=no&data_rtt=15132&data_proto=http%3A&data_ic=false&data_ss=560x1024&rt=2874&data_tag=HTML&mk=YWJhbnRlLG9ubGluZSwtLHRpcHMscGFyYSxtYWthdGlwaWQsYXQsbWFrYWlwb24sYW5nLG1nYSxlc3R1ZHlhbnRlLGJ1ZGdldGluZyxpc2EsbmEsbmdhLHNpZ3VybyxzYSxuYXBha2FoaXJhcCxnYXdpbixwYWd0aXRpcGlkLHBhZy1paXBvbixsYWxvLGt1bmcsaGluZGksbmFtYW5rYWxha2loYW4scGVyYSxtYXlyb29uLGthLHBhcnRpa3VsYXIsbWFnLWFhcmFsLHBlcm8sbWF5LHBhcmFhbix1cGFuZyxtYWdpbmcsbWFnYWFu